mahirap aminin...
isa sa mga pinaka mahirap sabihin sa harap ng ibang tao ay ang: malungkot ako.
Siguro nga. Ngayong mga araw na ito, hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Alam ko naman na marami akong kaibigan, pero bakit parang hindi ko kayang sabihin sa kanila ang lahat na bumabagabag sa akin.
Ito ang mga araw na nangangarap ako na may kasama ako para naman kahit papaano ay makalimutan ko ang kalungkutan na ito. Ang masama kasi sa akin, malungkot na nga ako, nakikinig pa ako sa mga malulunkot na mga kanta. Nagigisng masokista na nga ba ako? Pinipili ko ba ang mga pangyayari na alam ko ako ang masasaktan sa huli? Kalokohan.
Basta ang alam ko, hindi ko na ito matatagalan.
wala nang masabi.
haaay.
sabi naman nila, mas maraming naipapahiwatig ang katahimikan... kailangan mo lang makinig.
Sabi nila.
Sabi nila masyado daw akong tahimik nitong mga nakaraang araw. Sabi ko naman sa sarili ko, hindi ko ito napapansin. Siguro marami lamang nagbago sa buhay ko.
Kamusta ka na?
nakatutuwang isipin na matagal na rin pala. Siguro, kung matagal tagal mo na ring binabasa tong mga pinagsususulat ko dito, ay tila bang nakaririndi nang makita na parati na lamang kalungkutan at "siya" ang sinusulat ko. haha. pero pagbigyan ninyo ako.
eto na.
kamusta na nga ba? ok lang. hanggang dun lang. ok --- hindi ko naman kasi siguro masasabi na talagang kaya ko nang kalimutan ang lahat. Pero diba magkaibigan pa naman tayo? Kung pwede nga lang sana ng mas malalim ba doon. Naaalala ko tuloy noong sinabi ko iyon saiyo tapos bigla mong sinabi: "edi best friends nalang" sabay ngiti. hindi ka pa rin nagbabago... pa cute ka pa rin. pero kasi naman, sabi ko saiyo, kapag nagseseryoso ako, pagbigyan mo na. Alam mo naman kasing minsan minsan ko lang naipapakita sa mga tao ang paggiging seryoso ko diba?
hindi mo ba talaga ako nakilala ng lubusan?
Isang tanong lang naman. Nasasaktan lang naman kasi ako na sa tuwing may sasabihin ako saiyo, bigla mo na lamang iibahin ang usapan. Ang masama pa doon, napaliwanag ko na saiyo noon pa. Pero parang ako pa yata talaga ang dapat magbago para lamang magkaayos ang relasyon natin.
Saan na nga ba patungo?
papalayo saiyo...
Sa di inaakalang pagkakataon, nagkita tayo sa smoker's area ng starbucks. nagulat ako...
"kelan ka pa nagsimulang magyosi?"
"nung magkahiwalay tayo..." sambit mo. sabay iwas sa tingin ko saiyo.
"so ano ako ngayon? BI?"
"hindi. sometimes i forget how it feels to be with you. remember, never ata tayong nagkasama na hindi ka nagyoyosi. haha! parang gusto mo yata akong patayin sa second hand smoke. minsan napapaisip talaga ako kung mahal mo ba talaga ako eh ----"
hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko doon. alam ko na gusto mo lamang magbiro. parati ka namang ganyan sa mga panahong tila bang sobrang seryoso.
"alam mo namang kakabit na ng buhay ko tong yosi."
"ay. 1:15 na pala. i better get going. baka ma late ako sa class" sabay hawak sa kamay ko. "... im sorry."
alam ko namang hindi mo kailangang sabihin iyon saakin. naiintindihan ko ang lahat... alam kong mas makabubuti sa lahat ang ganito. pero naramdaman ko ang lungkot sa iyong mata. hindi ko alam kung naaawa ka lamang saakin at sa siguro naririnig mo sa mga kaibigan mo sa kung gaano kahirap ang bawat araw na wala ka diyan para saakin.
"its ok... i'll be alright. and i just want to tell you... salamat sa lahat."
sinagot mo lamang ito ng isang ngiti... at alam ko, na sa unang pagkakataon, totoo ang mga sinabi kong ok ang lahat at kaya ko to...
