October 26, 2005
hindi mo ba alam.
matagal tagal na rin tayong hindi naguusap. Alam mo bang hindi ko na matatagalan ang ganitong sitwasyon. Hindi mo lang siguro alam kung paano masaktan. Sabi ko nga sa sarili ko kanina dapat hindi ganito ang nararamdaman ko. Pero naman kasi and daya daya mo. Sabi ko naman sayo, ok lang sa akin na kahit magkaibigan na lamang tayo. Bakit ngayon tila ba iniiwasan mo ako? Hindi ko naman aagawin sayo ang buhay mo. Gusto ko lamang maging parte nito... kahit papaano... kahit gaano kaliit. Sana man lamang maisip mo ito. ayokong gumising ng madaling araw at umiyak para lamang sa mga pangakong hindi mo tinupad. Sabi ko naman kasi dati saiyo, kaya kong hindi na tayo. Pero sana bigyan mo ako ng espasyo sa buhay mo. Naiintindihan mo ba ako? Naririnig mo ba ako? Sana nga...
Posted by 214 on October 26, 2005 at 08:02 PM | oh, look a star!
